-- Advertisements --

ILOILO CITY – Iniimbestigahan na ng pulisya ang natanggap na ulat na isang ex-police officer umano ang nagsusuplay ng illegal na droga sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokersperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na nagulat rin sila sa rebelasyon ng mag-asawang durugista sa Calinog, Iloilo na isa palang pulis na dating nakadestino sa lloilo Police Provincial Office ang nagsusuplay sa kanila ng illegal na droga.

Ayon kay Solis, dadaan muna sa masusing imbestigasyon ang nasambing impormasyon upang matukoy kung totoo ito o paninira lamang.

Nagbabala naman si Solis sa mga pulis na iwasan ang pagsali sa mga illegal na gawain kagaya ng pagbebenta ng illegal na droga upang hindi madungisan ng pangalan ng pulisya.