-- Advertisements --
Inihahanda na ng PNP ang kaso laban sa may-ari ng bahay na nasunog matapos na na sumabog ang mga paputok na nakaimbak sa Bocaue, Bulacan.
Dahil sa nasabing insidente ay nasugatan ang nasa 18 katao ng sumabog ang bahay na pag-aari ni Nenita Oprecio.
Sinabi ni Fire Marshall Fire Inspector Carlo Mariano, na ang nasabing bahay ay walang permit para gawing bodega ng mga paputok.
Base rin sa imbestigasyon ni Bulacan Police Director Colonel Relly Arnedo na ang nasabing bodega ay iligal na ipinatayos sa residential area na ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas.
Magugunitang sumabog ang bahay nitong madaling araw ng Huwebes ng makaroon ng spark sa electrical wiring na tumama sa mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga paputok.