-- Advertisements --

Tiniyak ng PNP na hindi nila babalewalain ang impormasyong binunyag ng mga testigo sa Senate hearing kahapon tungkol sa kontrobersyal na e-Sabong.

Ang pagtiyak ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief PBgen. Roderick Augustus Alba makaraang idawit ng apat na testigo ang dalawang pulis sa umano’y pagdukot sa ilang nawawalang sabungero.

Sinabi ni Alba na kailangang i-validate ng PNP ang mga impormasyon ibinigay ng mga testigo para masiguro na mapangalagaan ang due process.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Alba na lalabas din ang katotohanan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kasabay nito, muling pinaalalahan ni Alba ang lahat ng miymebro ng PNP na striktong ipinagbabawal ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang anumang uri ng sugal sa mga pulis.

Babala ni Alba na mahaharap sa matinding parusa ang sinumang pulis na mahuling sumuway sa bilin ng PNP Chief.