-- Advertisements --

Nagbabala ang PNP Anti-Cybercrime Group sa paglaganap ng ‘deepfakes’ na videos at larawan online.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group’s Chief of the Cyber Response Unit, PCol. Jay Guillermo, na labis na nakakabahala ang laganap na ‘deepfake’ videos na gumagamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.

Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial intelligence.

May mga reklamo na silang natanggap sa kanilang opisina na iligal na ginagamit ang kanilang video para makabenta ng ilang produkto.

Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan nila sa ibang mga ahensiya ukol sa nasabing insidente.