-- Advertisements --

Agad na tatalima ang Philippine National Police (PNP) sa naging kautusan ng Sandiganbayan Fifth Division na ibalik sa PNP General Hospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan.

Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na mahigpit nilang ipapatupad ang nasbing kautusan ng korte.

Natitiyak din ni Nartatez na mahigpit din ang gagawing pagbabantay ng mga otoridad sa dating kalihim.

Magugunitang inaprubahan na ng Sandiganbayan ang hirit ni Bonoan na hospital arrest dahil sa pagtaas ng kaniyang blood pressure.

Una rito ay inilipat si Bonoan sa iasng pribadong pagamutan dahil sa kailangan ang matinding pagsusuri sa kaniyang kalusugan.