-- Advertisements --
Ngayon pa lamang ay excited na ang American television presenter na si Ashley Graham sa pagsilang sa kanyang first baby.
Nabatid na mismong si Graham ang nag-anunsyo sa “growing family” nila ng asawa kasabay ng kanilang ninth year wedding anniversary.
Kung maaalala, ang nasabing 31-year-old plus size model ay tampok sa 2018 Miss Universe coronation sa Thailand kung saan kinoronahan ang Pinay bet na si Catriona Magnayon Gray, habang siya ay behind-the-scenes host.