Pumalo na sa mahigit P810 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sa latest report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bulto ng pinsala sa agrikultura ay naiulat sa Western Visayas na umaabot sa P487,487,179, sinundan ng Mimaropa na nasa mahigit P319 million, Calabarzon na nasa P2.7 million at Zamboanga region na umaabot na sa mahigit P717,000 ang halaga ng danyos.
Bunsod nito, apektado ngayon ang kabuuang 13,326 na magsasaka at mangingisda gayundin ang mahigit 12,000 ektarya ng pananim.
Nasa 6 na barangay sa Himamaylan, Negros Occidental ang napaulat na nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng inuming tubig at para sa patubig sa sektor ng agrikultura simula noong December 2023.