-- Advertisements --
Umakyat na sa P5.9 bilyon ang agricultural damage dahil sa El Nino phenomenom.
Ayon sa Department of Agriculture, na nanguna pa rin ang bigas na labis na naapektuhan na umabot sa P3.1-B na sinundan ng mais na may P1.76-B at high-value crops na nasa P958-M.
Ang mga lugar na labis na naapektuhan ay ang Mimaropa, Cordillera Administrative Region, at Western Visayas.
Noong nakaraang linggo ay sinbai ng Task Force El Nino na nasa 103 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang naapektuhan ng El Nino.