Nasa estableng kondisyon na ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos na nagpositibo sa monkeypox virus sa Singapore.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, ang OFW na nagpositibo sa virus ay ang isang 31 anyos na lalaki na nakumpirmang nagpositibo noong Hulyo 25.
Sa report ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore, Hulyo 21 nang nag-develop ng lagnat ang OFW at nag-develop rin ng rashes sa kanyang mukha at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Pumunta siya sa Singapore General Hospital noong Hulyo 24 at na-admit sa kaparehong araw.
Nagpapatuloy na sa ngayon ang contact tracing.
Pala-isipan pa sa ngayon kun paano niya nakuha ang nasabing virus lalo pa at wala rin naman itong close contacts sa ibang nagpositibo sa Singapore.
Kung matandaan, una itong kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Ma. Terisita Daza.