-- Advertisements --

ILOILO CITY – Eksklusibong ibinahagi ng Pinay actress na supporting character sa coming-of-age zombie television series na “All of Us Are Dead” ang kanyang karanasan sa pagpasok sa showbiz industry sa South Korea.

Si Noreen Joyce Guerra, ay 30-anyos na tubong Sitio Pamumbungan, Barangay Milibili, Roxas City, Capiz, at nagtapos sa University of the Philippines-Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Noreen, sinabi nito na nakipagsapalaran ito sa South Korea bilang bahagi ng kanyang master’s degree hanggang sa naging aktres.

Sa kabuuan, naitampok na si Noreen sa 85 Korean dramas at limang pelikula.

Nakasama rin niya ang mga Korean actors na sina Lee-Min Ho, Park Bo-gum at Hyun Bin, aktres na sina Song Hye-kyo, at Kim Tae-hee.