-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hindi magpapakampante ang Philippine National Police sa Piddig, Ilocos Norte, sa anggulong pinaghinalaang mangkukulam ang babaeng binaril na sanhi ng agarang pagkamatay nito sa Barangay Buybuy sa nasabing bayan.

Nakilala ang biktima na si Fredalyn Agustin, 52-anyos na magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Police Capt. King Ramos, hepe ng Piddig-Philippine National Police, patuloy ang kanilang imbestigasyon kahit sinasabi ng mga tao na mangkukulam ang biktima.

Aniya, posibleng may iba pang dahilan sa krimen.

Nalaman ni Ramos na riding-in-tandem ang mga suspek dahil nakasakay sila sa motorsiklo at wala pang helmet.

Narekober sa crime scene ang tatlong kapsula ng caliber 45 pistol.

Nabatid ng Bombo Radyo na habang kinukuha ng biktima ang mga hindi naaning palay sa bukirin ay binaril ito ng mga suspek at agad namatay matapos mapuruhan sa ulo at leeg.