-- Advertisements --

Naghain ng Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China dahil sa nakitang floating platform sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ayon sa Deparment of Foreign Affairs (DFA), na kanilang ginawa lamang ang nararapat sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest.

Hindi na ibinahagi pa ng DFA ang ilang mga detalye sa pagiging confidential ng mga ito.

Sinabi naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for WPS Rear Admiral Jay Tarriela, na ang mga floating platform ay unang nadiskubre sa pamamagitan ng satellite imagery and maritime domain awareness operations na kanilang isinagawa noong Mayo.

Dagdag pa nito na mayroong nasa 30 square meters ang deck area at tinatayang mayroong laki ito ng lima hanggang pitong metro ang haba ng mga ito.

Nakita umano ang ilang mga Chinese sa platform noong Mayo 30.

Noong Mayo 31 din ang nasabing platform ay mas lumalim pa sa Bajo de Masinloc na ito ay tinutulungan umano ng barko ng China.