-- Advertisements --
image 82

Pumanaw na ang Filipino singer at aktor na si Jovit Baldivino, ito’y matapos kumpirmahin ng Brigada Batangas sa pamunuan ng Jesus Nazareth Hospital at ng kanyang asawa na si Camille Ann Miguel na ang singer ay nawalan ng buhay alas-4:00 ng umaga.

Matatandang isinugod sa ospital ang singer kamakailan lang matapos na sumama ang pakiramdam nito habang nasa isang party sa Batangas City.

Nakaranas daw ang singer-actor hemorrhagic mild stroke,at agad na isinugod noong December 4 sa Ospital.

Pakikiramay naman ang hatid ng kanyang pamilya maging ang kanyang fans, hindi umano lubos maisip na sa ganung edad ay mawawala ng maaga ang singer.