-- Advertisements --

Bumida si Deandre Ayton ang panalo ng Phoenix Suns laban sa Utah Jazz.

Kumamada si Ayton ng 29 points at 21 rebounds para pangunahan ang panalo ng Phoenix Suns kontra Utah Jazz, 113-112.

Sa kanilang home victory nakarami si Ayton ng steal sa final minute at gumawa ng 11 sa 19 field goals.

Nakapagtala rin ito ng tatlong assists at naka-block ng dalawang shots.

Dahil dito, naitala rin ng Suns ang kanilang dalawang magkasunod na panalo.

Dinagdagan naman ni Devin Booker ng 27 points ang panalo ng Suns.

Nasayang ang 22 points ni Jordan Clarkson at ang 20 puntos ni Collin Sexton.

Tinalo ng Suns ang Jazz ng walong beses sa 10 huling paghaharap ng mga ito.