-- Advertisements --

Magkahalong excitement at anxiety ang nararamdaman ni Phoemela Baranda kasabay ng anunsyo ng siya ay nagdadalang tao muli.

Sa isang panayam, inihayag ng model turned TV personality na masaya siya dahil unang baby nila ito ng professional race car driver at kanyang partner na si Jason Choachuy.

Phomela Baranda 2
(C) Doc Marlon Pecjo

Gayunman, hindi nito maiwasang maisip ang magiging takbo ng kanyang pregnancy journey hanggang sa manganak lalo’t siya’y 40-years-old na.

Sa ngayon ay nasa second trimester na ng kanyang pagbubuntis si Baranda at nakatakdang magsilang sa March 2021 ngunit sikreto muna ang gender.

Planado aniya ang kanyang pagbubuntis kung saan siya ay “mentally prepared” at nagpaalaga ito sa kanyang OB-Gyne.

“I’ve always wanted another child, and my partner (wanted one) as well–it’s his first,” saad nito sa panayam ng Preview.ph.

“For the gender, I will keep you posted. Keeping it a bit of a surprise!”

Nabatid na unang nagkaanak si Phoem noong siya ay 19-anyos pa lamang, at ngayo’y 21-anyos na ang panganay nitong babae.