-- Advertisements --

Nilinaw ni Phoebe Walker na bukas pa rin siya sa pagtanggap ng international projects.

Ito’y sa kabila ng kanyang pag-turndown sa movie offer ng isang American director na ang taping ay isasagawa sana sa France noong kasagsagan ng lockdown.

Ayon sa 28-year-old Filipino-British model/actress, kahit lead star ang gagampanan niya ay hindi siya kumportable sa isang eksenang ipinapagawa sa kanya na paghuhubad sa harap ng kamera.

“However, I had to decline the offer because it required nudity and I didn’t feel like this was the right project to do that. Although my heart remains open to working on international projects, I’m afraid that particular requirement is off the table for me,” saad ni Walker sa isang panayam.

Marami naman sa mga fans nito ang nalito gayong minsan na itong napasabak sa eksenang frontal nudity sa director’s cut ng Seklusyon.

Katunayan, nanalo pa siya sa nasabing Filipino supernatural horror thriller film bilang best supporting actress sa 42nd edition ng Metro Manila Film Festival noong December 2016