Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagkaroon ng 248 low-frequency volcanic earthquakes (LFVQs) ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.
Kasama sa bilang na ito ang 124 na kaganapan ng pagyanig na tumatagal mula isa hanggang 18 minuto, ayon sa ahensya.
Nagtala din ito ng limang pyroclastic density currents (PDCs) at 112 rockfall event.
Sa kabilang banda, nasa average na 1,602 tonelada ng volcanic sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Mayon sa pinakahuling naitala ng PHILVOLCS.
Ang lava flow ay patuyolu pa rin palabas ng tuktok ng Mayon sa nakalipas na 24 na oras, na namataan sa Bonga gully. Mi-isi gully, at Basud gully ng nasabing bulkan.
Sinabi ng PHIVOLCS na may bisa pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon dahil ito ay kasalukuyang nasa isang mataas na antas ng aktibidad, at ang mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang linggo o kahit na mga araw ay maaari pa ring maganap.
Una nang nagbabala ang ahensya na ang lahar at sediment-laden streamflows ay maaaring maganap dahil sa malakas na buhos ng ulan.