Inirekomenda ng embahada ng Pilipinas na nakabase sa Israel na kanselahin muna ang mga flights mula sa Pilipinas patungo sa naturang bansa.
Ang naturang kanselasyon ay hangga’t hindi pa humuhupa ang sitwasyon sa naturang lugar.
Sa kasalukuyan, nananatiling bukas ang Ben Gurion International Airport sa Israel para sa anumang biyahe mula sa naturang bansa patungo sa Pilipinas at iba pang bansa.
Ipinayo rin ng embahada sa mga biyahero ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga travel agencies ukol sa mga flights cancellations.
Dagdag ng embahada, gawing regular ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa sitwasyon ng Israel.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang kaguluhan sa naturang bansa, kasunod ng unang paglusob na ginawa ng militanteng grupong Hamas.
Una na ring nangako si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na maghihiganti siya sa ginawang pagsalakay.