
Ibinunyag ni House Speaker Martin Romuladez ang plano ng pamahalaan na magtayo ng Philippine Cancer Center (PCC) sa isinagawang townhall meeting sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon city.
Kung saan nangakong tutulong ang House leader para matugunan ang iba’t ibang problema ng mahihirap na cancer patients at ng kanilang mga pamilya.
Aniya nauunawaan ng Mababang kapulungan ang pangangailangan para sa isang cancer research program sa bansa para maging accessible sa mga lokal na pasyente ang mga makabagong inobasyon sa larangan ng paglunas ng sakit na cancer.
Saad pa ni Romualdez na inaasahang maipapatayo sa lungsod ng Quezon ang Philippine Cancer Center para sa nasabing layunin.
Ayon pa kay Romualdez ang naturang ospital ay isa sa magiging legacy project ng administrasyong Marcos na magsisilbing pagamutan ng mga may cancer, research facility at training ground para sa cancer specialist na tututok sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.










