-- Advertisements --

Masayang inanunsyo ni Phil Younghusband na magkaka-baby na sila ng model at kapwa half Filipino-British wife na si Margaret Hall.

Sa kanyang online post, kalakip ng larawan nilang mag-asawa habang hawak ang sonogram ay ang caption na sa “summer of 2020” nakatakdang isilang ang kanilang panganay.

Ayon pa sa 32-year-old football star, nasa second trimester na ng pagbubuntis ang kanyang misis at wala namang nararanasang problema.

“It has been our dream to be parents for a long time now and for our wishes to come true, we feel truly blessed by the Lord. We hope to be half as good as parents as our mothers and fathers have been to us and those parents we have surrounded ourselves with,” saad ni Younghusband.

Hindi pa naman nabanggit kung baby boy or girl ang magiging tsikiting nila.

Nitong Hulyo nang ikasal ang dalawa sa England matapos ang mahigit dalawang taon bilang magkasintahan.

Kung maaalala, dating girlfriend ni Phil ay ang aktres na si Angel Locsin na nakatakda na ring ikasal sa TV/film producer na si Neil Arce.