Nakipagpulong na si Philippine Nurses Association (PNA) president Rosie de Leon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para resolbahin ang problema ng health workers na pinigilang makaalis sa bansa.
Batay sa umiiral na direktiba ng POEA, hindi muna paaalisin ang mga manggagawang patungo sa ibayong dagat, kung sila ay nasa hanay bilang health workers.
Mas kailangan na raw kasi ngayon ang dagdag na work force dahil sa dami ng mga doktor, nurses at hospital staff na tinatamaan na rin ng COVID-19.
Nasa 20 doktor na kasi ang nasawing doktor, ilang nurse at marami pang health workers ang infected at naka-quarantine.
Apela ng grupo ng mga nurse, payagan pa ring makabyahe ang mga health practitioners na may kontrata na at ang mga umuwi lang para sa maikling bakasyon.