-- Advertisements --
Nakapagtala ng $3.68 bilyon ang Pilipinas ng trade deficit noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Mas lumawak ito ng 23.1% kumpara sa $2.99 bilyon noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sumipa ang import ng 12.6% ($11 bilyon) dahil sa electronics, habang mas mabagal ang paglago ng export na nasa 8% o $7.33 bilyon, na nagresulta sa paglaki ng kakulangan sa kalakalan.
Ang Tsina ang nangungunang pinanggagalingan ng imported goods.
Bagama’t mas malawak kaysa noong Pebrero 2025, ang deficit ay mas mababa kumpara sa $4.27 bilyon ang naitala noong Enero 2026.
Sa kabuuan, ang unang dalawang buwan ng 2026 ay nagpakita ng bahagyang pagtaas ng trade deficit na nasa $8.0 bilyon
















