-- Advertisements --
Kinumpirma Bases and Conversion Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio “Vince” Dizon at COVID-19 response deputy chief implementer na mayroon ng 30 COVID-19 testing laboratories sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Sec. Dizon na nalalapit na ito sa target testing capacity na 30,000 bawat araw.
Ayon kay Sec. Dizon, ang 30,000 testing capacity ay halos pumapantay na tayo sa ibang bansa na itinuturing na benchmark o standard sa testing capacity sa buong mundo.
Inihayag ni Sec. Dizon na balak pa nilang magdagdag ng mga laboratoryo sa buong bansa hanggang Mayo 30.