-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na dadagsa ang mga foreign Investment sa bansa sa susunod na buwan.
Ayon kay PEZA director-general Tereso Panga na interesado ang US Presidential Trade and Investment Mission na inatasan ni President Joe Biden na palakihin ang investment ng mga US companies sa economic zones ng bansa.
Hindi bababa sa P404.37 bilyon ang maaring ilaan na investment ng mga American companies.
Dahil sa paglago ng mga foreign investment sa bansa ay malaking tulong ito para mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan.