-- Advertisements --

Sa kabila ng umiiral na gag order, nagpatawag pa rin ng isang pressconference ang Panay Electric Company (PECO) at tahasan nitong binakbakang muli ang kalabang More Electric and Power Corp. (MORE Power) na malinaw na pagsuway sa kautusan ng korte.

Una rito, upang mailayo na sa media ang usapin ng PECO at MORW Power, ang dalawang kontrobersiyal na power firm sa Iloilo City, isang gag order ang ipinalabas ni loilo City Regional Trial Court (RTC) Judge Emerald Requina-Contreras.

Nakasaad sa dalawang pahinang kautusan na bawal na makilahok sa ano mang black propaganda ang magkabilang panig habang nakabinbin sa korte ang kanilang kaso.

Kahapon ay isang media event muli ang ipinatawag ng PECO at humarap sa dalawang oras na press conference na idinaos sa Intramuros Manila si PECO lawyer Estrella Elamparo.

Sa tanong kung bakit nagpatawag sila ng pressconference sa kabila ng nalalaman ng kampo ng PECO ang gag order, sinabi ni Elamparo na maging sila ay nalilito.

“Nalilito kami ngayon (We are confused), we are not saying anything extraneous. Lahat narrated in our pleadings.These allegations are a matter of public record. We’re not trying to influence the court but correcting the matter,” paliwanag ni Elamparo.

Dati pang mayroong umiiral na gag order sa pagitan ng dalawang power utility company subalit muli itong inulit ni Contreras sa ipinalabas na order noong Marso 2, 2020 matapos na rin ang pagbibigay ng mga malisyosong pahayag sa media ni Elamparo gaya ng pag-akusa nito na nakipagkita si MORE Power Owner Enrique Razon sa isang RTC judge.

Sinabi ng korte na hindi nila palalampasin ang ginagawa ni Elamparo at hindi kukunsintihin ang pag-uugali ng ilang mga counsel na kung ano-ano raw anv sinasabi kapag ang desisyon sa kaso ng kanilang kliyente ay hindi pumapanig sa kanila.

Nanindigan ang korte na may karampatang aksyon na gagawin ang korte sa naging pag-aasal ni Elamparo.