-- Advertisements --

Naglabas ng paalala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga mangingisda sa northern Luzon ukol sa pagbagsak ng mga debris ng rocket ng China.

Base sa notice to mariners ng PCG station sa Isabela na maglulunsad ang China ng Long March 7A rocket mula sa Wenchang sa Hainan ng Hunyo 23 sa oras ng alas-10:02 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga.

Mayroong dalawang drop zones ang natukoy sa northern Luzon na ang isa ay sa 42 nautical miles mula Burgos, Ilocos Norte at 65 nautical miles mula sa Dalupiri Island sa Cagayan.

Habang ang pangalawang drop zone ay sa 60 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan at 72 nautical miles ng Camiguin Norte, Cagayan.

Dagdag pa ng PCG na marapat na iwasan ng mga manigngisda ang nasabing lugar para sa kanilang kaligtasan.

Hiniling din nila sa publiko na agad na iparating sa mga kinauukulan sakaling may makitang mga debris mula sa rocket launch at huwag itong hahawakan dahil maaaring may taglay ito na kemikal.