-- Advertisements --

Nakatakdang pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 1st Semester 2026 AFP Command Conference ngayong araw.

Gagawin ang Command Conference sa Tejeros Hall sa Kampo Aguinaldo kung saan ay inaasahang ito na ang huling command conference ni AFP Chief General Romeo Brawner.

Dahil na din ito sa nakatakdang pagreretiro ni General Brawner sa military service sa darating na July 21.

Magaganap ang retirement ng outfoing AFP chief kasunod na rin ng pagkaka- kumpleto nito sa fixed three-year term bilang Chief of Staff base na din sa itinatakda ng Republic Act No. 11939. 

Kaugnay nito ay wala pa namang inaanunsiyo ang Malakanyang o si Pangulong Marcos hinggil sa kung sino ang posibleng pumalit kay Brawner bilang AFP Chief.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro na wala pang napipili ang Pangulong Marcos kung sino ang papalit sa pwesto ni Brawner.

Ang mga kandidato para sa susunod na Chief of Staff ay mga three star general.

Ayon sa Malakanyang, tatalakayin sa pulong ang ilang mahahalagang isyu.

Ang pulong ay dadaluhan ng mga matataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.