Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pinoy Guinness World Record holder na si Claro “Lito” de Veterbo Jr. sa Malacañang noong Mayo 20.
Sa courtesy call, kinilala ng Pangulo ang kanyang makasaysayang long-distance walk mula Pagudpud, Ilocos Norte hanggang Glan, Sarangani Province na isinagawa mula Pebrero 9 hanggang Hulyo 6, 2025.
Ayon kay De Veterbo, hindi niya pangunahing layunin ang makapag-uwi ng rekord kundi ang itaguyod ang kamalayan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at tamang paggalaw sa kapaligiran.
Gayunpaman, itinuturing niya na “bonus” na lamang ang pagkakapasok sa Guinness World Records dahil sa matagumpay niyang paglalakbay.
Sinabi rin niya na hanggang matapos ang kanyang paglalakad, hindi pa rin siya makapaniwala na nakamit niya ang world title.
Bukod sa pagiging mountaineer, si De Veterbo ay isang sertipikadong instructor ng Leave No Trace, isang organisasyong nagsusulong ng responsableng paglalakbay at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng edukasyon.














