-- Advertisements --
INDONPBBM

Natalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris ang isyu sa maritime security sa disputed waters kasabay ng pagkikita ng dalawang opisyal sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-US Summit sa Jakarta, Indonesia.

Ito ang kinumpirma ng White House kung saan kapwa nag-commit ang dalawang lider para sa rules-based international order.

Dito, nagkasundo ang dalawang lider na makipagtulungan kasama ang mga miyembro ng ASEAN para mapalago pa ang bilateral maritime cooperation upang mapalakas pa ang kalakalan at patataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Muling binigyang diin din ni VP Harris ang nauna ng commitment ng Amerika sa maritime security kabilang ang matatag na alliance commitment sa PH at ipinunto ang papel ng alyansa sa pagitan ng US at PH sa pagtiyak ng malaya, bukas at maunlad na Indo-pacific.

Ang statement na ito ng White House ay sa gitna na rin ng umiigting pang tensiyon sa West Ph Sea na kasama sa inaangkin ng China.