-- Advertisements --

Pumalo na sa 29 ang bilang ng nasawi dahil sa patuloy na pag-ulan sa Rio Grande do Sul sa Brazil.

Aabot din sa 60 katao ang naitalang nawawala habang mayroong 10,242 ang nawalan ng tirahan sa 154 lungsod.

Tinawag naman ni state Governor Eduardo Leite na isang kritikal na kaso na naitala sa kasaysayan ng bansa.

Nagsagawa na rin ng inspections si President Luiz Inacio Lula da Silva at tiniyak niya ang tulong sa mga apektadong biktima.