-- Advertisements --

Determinado ang naiwang partner of 33 years ni Eddie Garcia na si Lilibeth Romero na hindi na maulit pa sa ibang celebrity ang sinapit ng 90-year-old veteran actor na naaksidente sa gitna ng taping.

Unang pahayag ito ng ina ni One Pacman Party-list Rep. Mikee Romero hinggil sa kumpirmasyon ni Labor chief Silvestre Bello III na nagkaroon ng pagkukulang ang TV network sa pagtalima sa safety requirement.

Ayon kay Lilibeth, sang-ayon siya na tuluyang namatay si Manoy dahil sa kapabayaan gayundin sa hindi ligtas na working environment at kawalan ng medical team sa set.

“If it takes his untimely death to prevent future threats to actors, stuntmen, and others inside the various production sets of television, film, and movie industries, then I, together with the members of the Garcia family, will fight until the end to get the rights and the protection of his colleagues in place,” dagdag pa nito sa Senate hearing on occupational safety and health standards.

Una rito, inihayag ni Bello na walang safety officer ang GMA-7 noong kasagsagan ng taping ni Manoy sa Tondo, Maynila, na siya sanang unang reresponde sa pagkaaksidente ng multi-awarded actor kung saan nagtamo ito ng severe cervical fracture.

Base aniya sa findings ng Occupational Safety and Health Center na nanguna sa imbestigasyon, kung mayroon lang sanang kahit isang safety officer ay marahil mabubuhay pa si Eddie.

Si Garcia ay mahigit dalawang linggong nag-agaw buhay sa ospital kasunod ng aksidente noong June 8.