-- Advertisements --

Sinalang ng mga senador sa pagtatanong ang ilang opisyal ng militar sa isyu ng red-tagging sa ilang personalidad.

Kabilang kasi sa mga nakaladkad sa isyu ang mga artistang sina Liza Soberano, Angel Locsin at maging si Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray.

Sa pagdinig ng Senate committee on national defense and security, peace, unification and reconciliation, inusisa ng mga mambabatas ang uniformed officials kung paano umabot sa tila red-tagging ang isyu ng simpleng komentaryo ng mga celebrity sa kanilang social media post.

Pero mabilis na sumagot si AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade at itinangging inakusahan niya ang mga artista.

“No, your honor. I did not,” wika ni Parlade.

Ayon kay Senate committee on national defense and security chairman Sen. Panfilo Lacson, hindi maaaring magsabi ng mga walang basehang akusasyon kahit ang isang sundalo, para lamang maisulong ang kaniyang pansariling paniniwala.

Dumalo rin sa hearing sina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Interior Sec. Eduardo Año at AFP Chief of Staff Gilbert Gapay.