-- Advertisements --

Inalerto ng oil industry players ang publiko na posibleng magkaroon na naman ng malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes, Abril 7.

Batay ito sa unang apat na araw ng trading na nagpakita ng pabagu-bagong galaw ngunit kasalukuyang nasa uptrend pa rin, kagaya ng mga nakaraang linggo.

Ayon sa early estimate, maaaring tumaas ng humigit-kumulang P6.20 kada litro ang gasolina, P20.00 kada litro ang diesel, at P13.00 kada litro ang kerosene, kung saan nananatiling kasama sa presyo ang Excise Tax at Risk Premium.

Ipinaalala ng observers na ang presyo ay maaari pang magbago depende sa galaw ng world market trend.

Gayunman kung magpapatuloy ang kasalukuyang direksyon ng trading, inaasahan na mararamdaman ng mga motorista at negosyante ang bigat ng dagdag-presyo sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, ang halaga ng disel sa Metro Manila ay P134.90 kada litro, P109.90 sa gasolina at P104.90 naman sa kerosene.

Pero maaaring iba naman ang presyo sa ilang gas stations na may promo o discount rate.