-- Advertisements --
covid Omicron XE

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 619 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nasa kabuuang 13,825 naman ang aktibong kaso ng nakamamatay na virus.

Ang naitalang kaso ng covid ay kasunod ng naitalang nasa 300 COVID-19 infections.

Dahil naman sa bagong kaso ng covid ay pumalo na ang nationwide tally sa 4,063,316.

Ang recovery tally naman ay umakyat pa sa 3,984,159, habang ang death toll ay umakyat na sa 65,332 matapos madagdagan ng 23 na bagong kaso.

Samantala, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang mayroong naitalang pinakamaraming kaso ng naturang virus sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 3,983 infections.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 1,776, Central Luzon na mayroong 874, Western Visayas na mayrooong 480 at Ilocos Region na may 346.