-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa magkakaroon ng panibagong malakihang taas presyo ng mga produktong petrolyo.
Base sa kanilang pagtaya na maaaring maglaro ng mula P1.53 hanggagn P1.60 ang itataas sa kada litro ng diesel.
Habang ang gasolina ay magkakaroon ng hanggang P1.06 na pagtaas sa kada litro.
Mayroon namang pagtaas na P1.26 ang kada litro ng kerosene.
Itinuturing ng DOE na ang dahilan ng taas presyo ng mga produktong langis ay dahil sa patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang taas presyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.