-- Advertisements --

Hustisya.

Ito ang naging panawagan ng pamilya ng mga nawawalang kaanak sa bansang Israel.

Ayon kay Isaiah Buada, Bombo International News Correspondent sa Israel, sa kaniyang paglilibot-libot katuwang ang mga opisyal sa embahada at iba pang mga otoridad sa naturang bansa, nasaksihan nila ang hinagpis at sakit sa mukha ng mga pamilyang nawawalan ng mga miyembro sa pamilya dahil sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Israel at hamas.

Aniya, magpasa-hanggang ngayon ay wala pa ring napapaulat na balita sa mga ibang nawawalang indibidwal.

Binigyang din naman nito na nag-iingat ang Israel sa pag-atake, dahil na rin sa kagustuhang maging payapa ang kanilang bansa, partikular na ang layuning walang madamay na mga inosenteng tao sa nangyayaring pag-atake.

Kaugnay nito, patuloy naman aniya ang isinasagawang pagbabantay ng mga otoridad sa bansa sa binuksang pasukan at labasan sa pinangayayarihang gyera at sentro ng kaguluhan nang sa gayon ay mapanatili at mamonitor na rin ang mga indibidwal na nakakapasok at mapanatili rin ang kaligtasan ng mga ito.

Samantala, nauna nang sinabi ni Buada na inaasahan ang pakikialam ng ilang mga bansa sa nangyayaring gyera upang mas mapabilis na matapos na ang nangyayaring sagupaan, at ginagawa lahat ng kanilang pamahalaan ang kanilang makakaya nang sa gayon ay maipanalo at matapos na ang nangyayaring giyera.