ROXAS CITY – Excited na ang pamahalaan ng Qatar pati narin ang mga Overseas Filipino Workers sa nasabing bansa sa gaganaping makasaysayan na FIFA World Cup 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo-Roxas kay Bombo International Correspondent Ava Marie Balmaceda, sinabi nito na sa kanyang paninirahan ng masobra walong taon sa nasabing bansa, masasabing naging abala ang Qatar sa pagpapatayo ng stadium, hotels at condominiums na gagamitin ng mga partisipante sa enggrande at prestihiyosong palaro sa buong mundo.
Makikita rin na milyon dolyares ang inilaan ng kanilang pamahalaan upang maipagmalaki lang ang kanilang bansa sa masobra atrenta na bansa na pupunta sa middle east.
Pagdating sa seguridad, makakaasa anya ang mga banyaga na ligtas ang Qatar sa krimen, dahil araw-araw zero crime ang nasabing bansa.
Sa ngayon pa lamang, nagsidatingan na din ang mga foreign artists at volunteers sa buong mundo upang makiisa sa preparasyon ng FIFA World Cup na gaganapin sa Nobyembre nitong taon.