-- Advertisements --
Binalaan ng Malacañang ang publiko laban sa mga kumakalat na maling impormasyon lalo sa social media kaugnay sa sitwasyon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakarating sa kanilang kaalaman ang mga dumaraming peke at nakakaalarmang balita kaugnay sa umano’y krimen o binabalak na krimeng gagawin sa gitna ng total lockdown sa Luzon.
Ayon kay Sec. Panelo, lumilikha ang mga ito ng panic, kalituhan at takot sa mga mamamayan at kanilang kinokondena ang ganitong mga gawain.
Kaya pinapayuhan umano nila ang publiko na maging mapanuri at hindi basta nagpapaniwala sa mga nababasa at napapanood sa sociaal media.
















