-- Advertisements --

Ipinagtaka ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang tila pagbaliktad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isyu ng pag-amyenda sa Konstitusyon na kanyang plataporma noong tumakbo ito sa pagkapagulo noong 2016.

Ayon kay Romualdez ang isinusulong noong ng dating Pangulo ay baguhin ang sistema ng gobyerno at gawing federalismo.

Sa isang talumpati, sinabi ni Duterte na sapat ang kasalukuyang Konstitusyon at hindi umano ito dapat baguhin.

“Unang-una, baka nahirapan naman talaga si president Duterte kasi ‘yung plataporma kaya nanalo sya ay federalismo. Hindi lang ‘yang amendment ng economic provisions, ‘yan yung pagbabago nung buong sistema ng government,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker,” Mukhang hindi nya nakayanan eh. Ngayon na may naglulunsad na magandang move for charter amendments, baka nakikita nya na ‘yung hindi n’ya nagawa ay magagawa. Baka mangyari na ngayon kaya sinisiraan nya.”

Hindi naman inaalis ni Romualdez ang posibilidad na baka budol din ang pangako ni Duterte ng mangampanya ito.

Pinayuhan ni Romualdez si Duterte na magingat sa kaniyang mga pahayag dahil marami rin aniya siyang dapat sagutin noong kaniyang termino.

“Kaya mag-isip-isip na lang muna sya. They are saying those who are in the glass houses should not cast stones. Baka hindi nya alam, marami syang kakulangan, di ba?” sabi ni Speaker Romualdez.