-- Advertisements --
SENATOR GRACE POE

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

sa gitna na rin ito ng sinasabing korapsyon sa Land transportation franchising and regulatory board (LTFRB)

Iginiit ni Poe, na sa pagnanais na maging moderno ang mga PUV sa bansa ay dapat ring tiyakin na ang proseso dito ay magiging progresibo, patas, at makatao.

Iginiit ng senadora, hindi pa nga nakauusad ang modernization program mula sa iba’t ibang isyu ay mababahiran pa ito ngayon ng korapsyon.

Inihayag ng mambabatas na kung totoo man ang alegasyon ng korapsyon ay dapat na mapanagot ang mga tiwaling opisyal lalo’t hindi ito makatarunfan para sa mga drayber na nawalan ng kabuhayan dahil pinaboran diumano ang mga naglalagay.

Umaasa naman si poe na kasabay ng pag-iimbestiga sa mga sangkot sa isyu ay inaayos din ang modernization program para matiyak na tunay nitong mapapabuti ang kabuhayan ng mga tsuper at makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.