Ipinapaubaya na ni Russian President Vladimir Putin sa kaniyang 85 regional heads ang desisyon kung kailan luluwagan ang ipinatupad na lockdown sa bansa.
Ito ay matapos na pumangalawa ang Russia sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng coronavirus.
Sa pinakahuling datos mayroon ng 281, 752 ang kabuuang kaso kung saan 2,631 dito ang nasawi pinakamaraming kaso dito ay sa Moscow.
Lumalabas din sa statistics na halos lahat ng parte ng bansa ay nadapuan na ng nasabing virus.
Tiniyak ni Putin na doble kayod ngayon ang gobyerno nila para tuluyang makontrol ang pagdami ng bilang ng mga nadadapuan ng virus.
Dumepensa naman si Russian Vice-Premier Tatiana Golikova na hindi nila minanipula ang bilang ng mga kaso ng coronavirus.
Lumabas kasi sa ulat na tila minamanipula ng Russia ang bilang ng mga nadadapuan at nasasawi dahil sa coronavirus.
Mula ng tumaas ang kaso ng coronavirus noong Abril ay binuksan na nila ang bagong coronavirus hospital na itinayo ng isang buwan lamang.