Inaprubahan ng Senate Justice and Human Rights Committee na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino ang paglikha ng mga Regional, Municipal, at Metropolitan Trial Courts branches sa 14 na mga lugar
upang mapaigting ang pamamalakad ng hustisya sa Pilipinas.
Sa deliberasyon, nilinaw ni Tolentino sa Korte Suprema kung ano ang dapat isaalang-alang sa paglikha ng mga karagdagang korte sa ilang lugar.
Ayon kay Court Administrator Justice Raul B. Villanueva na 300 kaso bawat korte ang mapamamahalaan.
Dagdag pa ni Villanueva, ang halaga kapag nagtatag ng korte ay P5 milyon.
Aniya, Ang isang RTC at isang MTC ay mangangailangan ng hindi bababa sa dalawang prosecutors at isang prosecutor respectively, at isang Public Attorney naman sa kahit anong klase hukuman.
Gayunpaman, ieenderso na ang naturang pagdinig sa plenaryo.
Lilikha rin ng aniya ng RTC at MTC sa Rosario at San Juan (Batangas), Cabagan (Isabela), Navotas, Pagadian (Zamboanga del Sur), Antipolo City (Rizal), Calauag (Quezon Province). ), at Dinagat Islands.
Bukod dito, naaprubahan din ang pagdaragdag ng mga korte para sa Island Garden City of Samal (Davao Del Norte), Malaybalay (Bukidnon), Ormoc (Leyte), San Carlos (Pangasinan), San Juan City at Gingoog City (Misamis Oriental).