-- Advertisements --

Paglagda at pagsumite ng courtesy resignation ng mga matataas na pulisya sa Central Visayas, hindi pa makakaapekto sa operasyon lalo na sa nalalapit na Sinulog

Inihayag ni Police Regional Office-7 Director PBGen Jerry Bearis na hindi makakaapekto sa kanilang operasyon lalo na sa nalalapit na Sinulog ang kanyang paglagda at pagsusumite ng courtesy resignation kasama ang mga full-pledged police colonels at heneral ng rehiyon.

Bahagi pa umano ito ng kanilang pagpapakita ng pagsuporta sa panawagan ni Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Magandang balita pa umano ito na may ganitong pagsisikap na linisin ang organisasyon ng Philippine National Police.

Dagdag pa ni Bearis na sabay-sabay silang lumagda para ipakita ang pagkakaisa.

Wala umano silang kinatatakutan dahil sila ay malinis at ginagampanan ng maayos ang kanilang trabaho.

Ibinunyag pa ng opisyal ng pulisya na alinsunod sa patnubay ng Secretary of the Interior and Local Government, ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang mga gawain at gampanan ang kanilang tungkulin.