-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bawat Pilipino na humugot ng inspirasyon sa nangyaring 1986 EDSA People Power Revolution para mapanatili ang iniwang pamana ng EDSA.

Sa mensahe ni Pangulong Duterte kaugnay ng paggunita ngayong araw ng ika-34 anibersaryo ng People Power Revolution, sinabi nitong bagama’t may magkakaibang pananaw sa pulitika, mahalagang matiyak na magkasama-sama pa rin ang sambayanang Pilipino sa pag-aala sa napakahalagang bahagi ng ating kasaysayan.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaisa siya ng mga bayani ng EDSA at ng mga nakiisa noon sa tinaguriang “bloodless uprising” kasama ang pag-asang magbigay giting ang diwa ng EDSA sa mga susunod na henerasyon para patuloy na ipagtanggol ang ating kalayaan.

Hindi umano maitatanggi na ang People Power Revolution ang isa sa mga nagmarkang pangyayari na naiukit na sa kasaysayan ng ating bansa.