-- Advertisements --
Magbabago na umano ang porma ng inihahandang national budget para sa susunod na taon.
Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara, dahil na rin sa malaking pangangailangan para sa “new normal” at mga kaakibat nitong proyekto.
Ayon kay Angara, posibleng sa susunod na mga linggo ay masimulan na nila ang pagtalakay sa pambansang pondo para maihanda ang ilang adjustment na kinakailangan para sa pangmatagalang solusyon sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ng senador na pangunahing konsiderasyon dito ang pagpapalakas ng health sector, pagkakaroon ng mga bagong trabaho, pagbabago sa education setup at marami pang iba.