-- Advertisements --
Inihayag ni Presidential Chief Legal Counsel secretary Juan Ponce Enrile na hindi isyu Ang pagpupumilit Ng International Criminal Court o ICC para muling buksan Ang imbestigasyon sa naging kampanya sa ilegal na droga Ng Duterte Administration.
Sa isang interview kay Enrile sa PICC, sinabi nitong non- issue Ang usapin at Hindi aniya nila ito napag– uusapan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Kung gusto aniyang magsagawa Ng imbestigasyon Ng ICC, kailangan ani Enrile muna nilang humingi Ng permiso.
Idinagdag ni Enrile na Wala dahilan para mag- imbestiga Ang ICC gayung gumagana Naman Ang judicial system sa bansa.
Pahayag pa Ng abugado ng Palasyo, kung magpupumilit Ang mga taga ICC Ang kanya itong ipapa-aresto.