-- Advertisements --
Asahan ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa ngayong linggo.
Batay sa pinakahuling abiso ng mga industry players, maaaring umabot ng hanggang P2.50 ang pinakamataas na tapyas ng produktong gasolina.
Habang ang Diesel ay inaasahang tataas ng P.10 hanggang P.50
Para sa Kerosene, tinatayang bababa ito ng P.40 hanggang P.60.
Batay sa datus ng Department of Energy(DOE), sa kabuuan ng 2023, ay umaabot na ng P17.30 ang pagtaas sa presyo ng gasolina. Habang P13.40 naman para sa diesel, at P9.44 para sa kerosene.
Malalaman ngayong araw ang kabuuang ibabawas at itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad sa kada-araw ng Martes.