-- Advertisements --
pnp

Wala umanong naitalang ano mang untoward incident sa pagdiriwang ng Pasko kahapon araw ng Linggo.

Ayon sa tagapagsalita ng Pambansang pulisya na si Police Col. Jean Fajardo, generally peaceful ang pagdiriwang ng Christmas ngayong taon.

Noong Sabado raw na bisperas ng Pasko ay dinagsa ang huling Simbang Gabi at napakakapal ng mga tao sa simbahan.

Maliban dito, dagsa rin ang mga mamimili sa mga tiangge, mall at palengke.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Fajardo na naging relatively peaceful naman ang monitoring ng Philippine National Police.

Una nang sinabi ni Fajardo na mula December 1, 2022 hanggang December 20, 2022 ay nakapagtala ang Pambansang Pulisya ng halos 30 percent na pagbaba ng index crimes kumpara noong nakaraang taon.

Ang mga index crime ay tumutukoy sa mga seryosong krimen na kinabibilangan ng homicide, pagpatay, panggagahasa, pisikal na pinsala na nauuri bilang mga krimen laban sa tao; at, pagnanakaw, robbery, carnappping ng mga sasakyan at pagnanakaw ng mga motorsiklo, na nauuri bilang crimes against property.

Sinabi ni Fajardo na hindi raw nila inaasahang bababa ang index crimes dahil mas maluwag na ang restrictions sa bansa.

Ang kaso ng theft at robbery ay bumaba rin umano ng 11 hanggang 14 percent mula December 1 hanggang 20.

Una rito, nagsagawa ng orientation ang Philippine National Police maging seminar sa mga barangay tanod kung paano ang tamang pagpapatrolya.

Mahalaga raw ito para hindi mapahamak ang mga tanod tuwing may rerespondehang mga gulo sa barangay.

Kung maalala bumuhos ang mga deboto sa simbang gabi dahil nanamik ang mga ito matapos hindi makadalo sa nakaraang taon dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.