Hati ang reaksyon ng mga netizens kaugnay sa pagbabalik ng OPM (Original Pilipino Music) legend na si Jim Paredes sa “limelight.”
Ito’y anim na buwan mula nang manahimik sa social media ng dating miyembro ng APO Hiking Society kasunod ng pagkalat ng kanyang private video.
Sa kanyang pagbabalik bilang musical mentor para sa isang songwriting bootcamp, sinabi ni Paredes na nagpapasalamat ito at umaasang tuluyang maipagpapatuloy na makapagsulat ng musika.
“You know, I just want to… We make music. I’m just an artist. I come up with stuff, you know. Enjoy them at your pleasure. I’m grateful and I’m hopeful that I will continue to write the soundtrack of their love lives, their life as they get old, their milestones in their lives, marriage, everything,” saad nito sa News5.
Nabatid na nagkaroon na rin ng public appearance ang 68-year-old singer/composer sa pamamagitan ng “VERY informal gig” sa Australia nitong Setyembre 7.
Kung maaalala, unang umalma pero kinalaunan ay inamin naman ni Jim kasabay ng paghingi ng sorry na siya nga ang nasa kontrobersyal na video scandal.
Sa halos dalawang minutong video na unang pinagpiyestahan kasabay ng April Fool’s Day 2019, makikita na siya ay naka-earphones, nilalaro ang dila bago isinentro ang ari sa camera.