-- Advertisements --
Deltacron COVID

Puwede umanong i-require ng Pilipinas ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests sa mga travelers mula China pero ito ay base sa tinatawag na “true risk” sa mga Pinoy.

Sa isang video na ipinadala sa mga reporters ng Office of the Press Secretary, sinabi nitong hanggat base raw sa siyensiya at kinakailangan ay ire-require ng mga ito ang covid test.

Noong buwan ng Nobyembre, inaprubahan ng Malacañang ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagluluwag na sa testing at quarantine protocols para sa inbound travelers na patungong Pilipinas sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Una nang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na puwede namang magpatupad nang mas mahigpit na travel requirements ang bansa sa mga bisitang mula sa China.

Binigyang-diin din nitong dapat daw ay maging cautious ang Pilipinas sa pagtanggap ng inbound travelers dahil sa pagsipa ng kaso ng nakamamatay na virus.

Nais din ni Bautista na maging gold standard ang RT-PCR test kapag nakarating sa bansa.

Sa mga nakalabas na report, sinabi ng mga Chinese doctors na punuan na ang mga ospital sa China na nasa lima hanggang sa anim na beses na mas mataas sa usual na bilang ng mga pasyente na karamihan ay mga matatanda.